Somewhere there's someone who dreams of your smile, and finds in your presence that life is worth while...

So when you are lonely... Remember it's true Someone somewhere is thinking of you...

Home

Gadgets…

April 28, 2007

 

I bought two slightly used SIGMA lens early of this Months from Sir Ricky S. Santos who is one of our senior member of Desert Foxs. A telephoto zoom lens SIGMA 70-300mm F4-5.6 APO DG MACRO and the another zoom lens which is SIGMA 18-125mm F3.5-5.6 DC that can be use from wide angle to telephoto, zoom lens that can capture a wide range of subjects.

He sell it to me including the filter for a very cheap price kaya I grab it agad. 'Coz nakakapanghinayang naman kung hindi ko pa bibihlin pareho… And another reason is it will help me to enhance more my skills… Kaya I think for a freshman like me okay lang na pag-aralan ko muna and to master how to use these types of lens bago ako bumili nang ina-aspire kong Canon lens which is EF 28-300mm f/3.5-5.6L IS USM and Canon MACRO lens. Medyo may kamahalan nga lang kaya for sure imposible ko pang mabili ang mga yan sa ngayon…

Totoo nga ang paalalang sinambit sa akin ni masterbetong na "ihanda ko na ang aking bulsa!" Talagang magastos nga pala ang pag-aaral nang potograpiya… Ngunit gayon pa man ay masasabi ko na ring isa itong oportunidad sa akin at pwedeng pagkakitaan. Lalo na sa kagaya kong manggagawa sa ibang bansa na umaasa at inaasam na sa ating lupang tinubaan parin pumirme at magkaroon nang pangkabuhayan…

 

Posted by newspy23 at 1:23 am | permalink | Add comment

Some of my shots

April 24, 2007

I need to post this photo's… It's been a long time since I edited those but, now ko lang po siya na-upload, 'coz ngayon lang po ako nakakasingit paunti-unti dito sa office…

Here are some shots which was taken inside my room, actually medyo marami-maraming shots din po ang nagawa ko that time but I choose this three first to be posted 'coz It shows three different compositions which is the MOVING, LIGHT & MACRO.

Ito naman pong shots na ito is comparison or difference between night and day shot nang Mosque, which I've seen everytime I open my window… At first medyo nagiging alarm clock ko because of the early morning shouts calling all for prayer… then later nasanay narin ako… Five times ba naman everyday nagsisigaw isabay mo pa yung Mosque sa tapat namin, ewan ko lang pag hindi mo pa nakabisado…

The last three shots I've made was taken during the despedida of our friend Edgar Reyes. First we went to Edgar's apartment to help him pack some of his belongings and syempre nandoon na rin yung hakot nang pamana and I remember na maganda nga palang kunan ang round about from his window, so after namin mahakot ang amnig mga namana, we go back to his apartment and I took several shots. Medyo po may kahirapan sa kadahilanang hindi ko po nadala ang aking tripod and handheld lang kaya blur ang pagkakakuha… Then the next one is habang naghihintay nang order napagdiskitahan kong kunan ang glass then naisip ko na idag-dag sa composition yung scoop… And the other one is the PATAYA's mixed sea food which is not that expensive but taste expensive… Siguro kung sa atin mo ito bibilin medyo mahal… because of the common recipe or ingredients which is sea food.

Medyo pinagsabay-sabay ko na ang pag-post nang pics it's because medyo marami-rami pang shots ang kinakailangang i-post… Trigger happy kasi eh! Kaka-adict… Kaya watch out for more and hope ma-ayos ko agad before end of April.

Posted by newspy23 at 2:57 pm | permalink | Add comment

The 5th Heritage Festival

April 22, 2007

At last! Another mission accomplished… Napatunayan na naman ang kasabihan sa atin na "Kapag may Tiyaga, May Nilaga" Hehehehe… If there is will, there's a way nga naman talaga, Kasi nga naman, kahit na nagloloko ang aking P.C. at medyo po busy dito sa work, naisisingit ko parin na kahit paunti-unti, ay na gawa kong ayusin at lagyan nang borloloy ang mga shots ko sa ginanap na Heritage Festival Exibit here in Al-Fanateer Conventioan Hall, Jubail, K.S.A.

 

It took almost a month para piliin at ayusin ang mga shots na ito upang aking maibahagi at pagmalaki narin na nagkakaroon na nang improvement ang aking mga shots… Masayang libangan at pag-aralan talaga ang potograpiya at sa tingin ko ay mahaba-haba parin ang aking babay-bayin upang ma-arok at makamit ang talagang tagumpay… Para mapagkakitaan narin! Hehehehe… Kaya sa ngayon, ito po ang ilan sa aking mga obra (Kuno)…

 

Slamat nga pala kay Ginoong Neil Inf. Ortega na nagtiyagang samahan ako upang maisagawa ang mga kuha kong ito… Kahit na hindi na sya mangiti sa inip at gutom na dinanas namin… Hehehehe! Ginoong Neil, wag pong madadala ha!? Sa susunod food preparation naman ang hanapin natin para busog tayo while taking shots…

Posted by newspy23 at 12:46 pm | permalink | Add comment

Update…

April 9, 2007

Medyo matagal-tagal ko rin hindi na update ang aking blog. Sa kadahilanang nais kong mapaganda at malagyan nang isang presentableng pahina na kung saan pwede kong ilagay ang aking mga larawang nakuhanan upang ang mga ito ay maibahagi sa inyo. (Tagalog na tagalog ba!?) Sa kakahanap nang mga sites dumami na nang dumami ang aking blog ngunit pare-pareho lamang ang mga nakasaad. Hindi kasi ako mapakali hanggang hindi ko nagustuhan… Isa pang problema ay ang pagloloko nang aking computer… Bumalik na naman kasi ang kanyang sakit na basta-basta nalang magre-restart… Ipinasuri ko na nga siya ngunit pansamantalang gamitan lamang at nanumbalik na naman ang kanyang kalokohan… at sa ngayon, totally ayaw na nyang magboot, sa tingin ko ay tinamaan na naman ang O.S. kung kaya’t kinakailangan na namang i-format at mawawala na naman ang aking mga shots na hindi ko na back-up… Nakapanghihinayang, Hindi ko man lamang na back-up, kaya simula ngayon, Pagkatandaan! ang lahat nang mga proyekto ay dapat na laging may kopyang nakatabi…


Ito naman po yung unang blog na gamit ko before (
http://www.newspy23.blogspot.com/ ) medyo wala lang kasi syang photo gallery kung kayat naisipan kong gamitin itong site na ito para sa photo gallery. Iniisip ko nga na i-link ko nalang ito sa sa una kong blog at gamitin nalang itong site na ito para sa photo gallery lamang…

Master, baka meron kang suhesyon at alam na pwede kong lipatan nang blog ko… payo naman dyan… alam kong malawak ang iyong kaalaman pag dating sa larangan nang ganitong bagay-bagay… 

Pahabol! Isama ko na rito ang mga naiwang larawang na dapat ay noon ko pa nagawa…

Ito na nga at nailagay ko na ang post na ito dito sa aking bagong blog… medyo carbon copy sya tulad noong sa blogspot… Wait ko nalang kung may darating na memo mula sa I.T. namin… Nyahahahaha…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Posted by newspy23 at 2:34 pm | permalink | Add comment

More Digital Photo…

March 16, 2007

Well kagagaling lang namin sa practice nang basketball sa Najrani Camp ngayon, and medyo pagod pa… Kaya bibilisan ko na ang aking pag-post dito… Hirap nang walang practice! Grabeh! Anyway, here are the continuation nang aking shots noong umatend kami ng Horse Show… Sensya na at wala akong gaanong masabi… mabilisan na ito…

  

 

 

 

Edited na po yan and croped na kaya medyo dinagdagan ko nang sharpness and kaunting ayos nang brightness… May kalayuan kasi ang aking pwesto and hindi pa zoom lens ang gamit ko kundi yung 18~55mm which is inculeded sa kit ang aking gamit… Pag nakayanan ko nang bumili nang EF70-200mm f/2.8L IS USM maybe medyo mae-enhance ko pa ang aking skills… Kaso Kailan kaya iyo!? Yung ang isang malaking tanong!

Posted by newspy23 at 11:23 pm | permalink | Add comment